Sabi ng tatay ko may opening daw sa CPI. Pero di ako ngkainteres na mg-apply dahil di nman ako mhilig sa computer. Naalala ko pa noong college, kapag sinabing type written ang homework, inis na inis ako dahil ibig sabihin nun haharap na naman ako sa computer. Kaya ang ginagawa ko, yung antique na type-writer ang ginagamit ko. Masyadong kumplikado para sa akin ang computer, baka matagalan lang ako sa paggawa ng homework ko. Ayoko ng mga subjects na may kinalaman sa computer! Lalo pa at mgttrabaho bilang computer programmer??? Hello!!!
Sabi ng tatay ko, tumatanggap daw ang CPI basta graduate ng khit na anong 4-yr course. Kelangan lang maipasa ang exam tska interview. E dahil ang hirap mg-apply ng trabaho noon .. Gusto ko mgtrabho sa insurance company dhil feeling ko doon ako nararapat as a BS Math graduate. Di ako natanggap sa 3 big insurance companies na target ko, so ayoko na lang mg-actuary. Isip ako ng ibang work. Nag-try ako as a researcher pero ang liliit ng offer. Nagtry ako mgteacher pero di ako teacher material. Di kinaya ng powers ko. April ako grumadweyt. August na di pa rin ako nkkpgtrabho. Alarming n yun!
So sinunod ko ang advice ng tatay ko. Rumampa ako sa CPI. Submit lng ng resume. Den uwi na. Aba , tinawagan ako, 4 exam daw! Pgkpasa, interview naman daw. Go ang byuti ko! Pero sinabi ko na wala akong alam sa computer. Ite-train nmn daw. 2 weeks!
2 weeks??? Sa mind ko lng ako ngreact. Marunong ako mgtype pero di ako marunong sa computer. Wala nyan sa province namin nung mga panahong yun. Sa school naman namin nung college, 2 computer subjects lang ang meron ako, 2 p kming mgkpartner nun na nagsi-share sa iisang computer. Pgpasok namin sa classroom, naka-on na sya, pati yung software na gagamitin sa klase namin e naka-up na. Pag-alis namin ng classroom, iiwan namin sya as it is para naman sa susunod na klase. Kaya di talaga ako natutong mag-on ng computer.

Suwerte, natanggap ako. So pumasok ako ng CPI na hindi marunong kahit mag-on ng computer. Sa una, nalilito ako, ang dami-daming buttons, di ko alam kung alin ang power button at kung para saan naman ang iba pang buttons. Di ko ma-imagine ang connection ng mouse, monitor, keyboard, at cpu, kung papaano sila pinagkokonek at papaano sila ngwowork together. Pero sige lang. Programmer naman ang pinasok ko so hindi ko concern ang iba't-ibang parts ng computer. Basta go gamit lang ang byuti ko. Nakikinig ng husto sa lesson habang nangangapa sa pggamit ng computer. Honestly ultimo windows explorer di ko alam kung papaano gamitin!!! Promise! Kaya kapag sinabi ng instructor na pumunta sa ganitong path para mkuha yung file na yun at gumawa ng shortcut for that file at ilagay sa desktop, wa! Blanko na ang lola. Titingnan ko muna ang katabi ko, magtatanong kung papaano gawin yung pinapagawa ng instuctor den gagayahin ko na lang. So nakakasurvive ako kahit papaano during the training session. E one time nauna akong dumating sa ofis para pag-aralan sana ang lesson namin sa training the previous day. Hala! Wala pa ang mga kasama ko sa training! Papaano ko ma-o-on ang pc ko???
Sa wakas natapos din ang training. Naipasa ko naman. Nagsimula na akong mgtrabaho. Syempre naloloka-loka pa rin ako. Di ko pa rin ganun ka-gamay magprogram. Pero mababait ang mga tao sa CPI. Kahit busy sila, nagagawa nilang ientertain ang mkukulit kong mga tanong. Pinagtitiyagaan nilang iexplain sa akin kung ano ang ibig sabihin ng "hard-coded", "soft-copy", at "hard-copy". Nalaman ko rin ang kaibahan ng "hard disk" sa "floppy disk". Nagpplano kasi akong bumili ng hard disk sa National Bookstore dati. 50 pesos ang dala kong pera.
One day, nag-crash ang hard disk ko. Sira ang computer! May mabait akong ofismate na pinagtyagaang ayusin ang pc ko. Masusi ko syang pinanood. Nag-prisinta akong assistant. Dun ko na-figure-out ang connection ng mouse, monitor, keyboard, at cpu sa isa't isa.
Hanggang sa dumating yung time na kinailangan akong ipadala ng CPI sa client. Tigas ng iyak ko nun! 3 days kong iniyakan yun 2d max! Daig ko pa ang iniwan ng boyfriend!! Pero dahil trabaho, wala akong nagawa. Feeling ko para akong inakay na kelangan nang humiwalay kay inang ibon para matuto akong lumipad sa sarili ko. Pero go lang. Ang hirap sa umpisa. Iyak ako ng iyak sa bago kong trabaho. Pero carry lang. Nang makapag-adjust, masaya na. Mas lumakas pa ang loob ko at nagawa ko pang mgpcontractual. Nakailang clients din ako. Palipat-lipat.
Sa ngayon, last day ko na bilang CPI employee. Ang dami-dami kong dapat ipagpasalamat sa CPI. Apat at kalahating taon nila akong inalagaan. Kung baga sa artista, CPI ang discoverer ko, ang talent center ko. CPI ang humubog sa propesyon ko. Kung anuman ang meron ako ngayon, utang ko yun sa CPI. Pinagkatiwalaan nila ang kakayanan kong matuto kahit super blanko ako noon sa larangan ng computer. Kaya I consider myself as a true-blue-blooded-CPI-baby.
Aalis ako ng CPI... Pero masaya kong iisipin na CPI pa rin ang dahilan ng pgkakatagpo ko sa magandang kapalaran ko ngayon. Kung hindi dahil sa CPI, wala din ako dito sa System Access ngayon. Para akong isang ganap na ibon na handa nang humiwalay sa kanyang inang ibon...
Kahit saan man ako dalhin nitong mga pakpak ko na CPI ang humubog, hinding hindi ko makakalimutan na mahal ako ng CPI...
...at syempre mahal ko rin ang CPI!
P.S.
I will never forget Michaell Bilon and RJ Uy....
Sobrang tyaga nila noong magpaliwanag sa mga tanong ko na kpg naalala ko ngayon e mga tanong na ewan...
Actually, lahat sila noon na nakasabayan ko sa CPI e sobrang supportive... Sina Michaell at RJ nga lang talaga ang naistorbo ko 2d max!
Mary Joy S. Gallos
March 31, 2005
back to top
|